POSITIBO ang feedback ni Deputy Representative Minister Michael Lee ng Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines o TECO sa unang pagkakataon na pagsakay niya sa MRT-3.
Sa kasagsagan ng rush hour, nagpasya si Minister Lee na sumakay na lang ng MRT-3 sa Araneta–Cubao Station.
ALSO READ:
Tulong sa mga empleyado ng nasunog na Landers Supermarket, siniguro ng Quezon City LGU
NCRPO, walang namo-monitor na anumang banta para sa anibersaryo ng EDSA People Power sa Feb. 25
4 na critically endangered na uri ng amphibian, nailigtas sa Malabon
Pagpapatupad ng Tap-To-Pay services sa LRT, mauurong sa susunod na buwan
Ayon kay Lee, umabot lang ng dalawampung minuto ang kaniyang biyahe hanggang Ayala Station – mas mabilis kumpara sa regular na biyahe niya kapag naka-kotse.
Sa kaniyang obserbasyon, binanggit ni Lee ang magandang disenyo ng MRT-3 at ang pagkakaroon ng cashless payments gamit ang beep card.
Inilarawan ng opisyal ang kanyang MRT experience bilang “smooth and positive.”
