INANUNSYO ni Education Secretary Sonny Angara na nakatakdang rebisahin ng Department of Education (DepEd) ang National Curriculum, at isasama ang training sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI).
Ito ay upang maihanda ang mga Pilipinong mag-aaral at guro sa mabilis na pagbabago ng Digital Landscape.
ALSO READ:
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Sinabi ni Angara na inaasahan na ang pagbabago sa mga susunod na taon, kaya mainam na maihanda ang mga bata at guro upang matutong gumamit ng AI.
Ang plano ng DepEd ay sa gitna ng lumalawak na paggamit ng AI tools ng mga estudyante – na ang ilan ay lihim – at maging ng mga guro.
May ilang mga estudyante na umamin na lihim silang gumamit ng AI, para makumpleto ang kanilang assignments.
