IKINU-konsidera ng Department of Education (DepEd) na simulan ang implementasyon ng binawasang core subjects sa Senior High School (SHS) Cirriculum sa darating na School Year 2025-2026.
Sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na ang plano dapat ay sa School Year 2026-2027 pa ipatutupad ang reduced SHS Subjects subalit target na nila itong simulan ngayong taon.
ALSO READ:
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng BatasMga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
17 puganteng Taiwanese, ipina-deport ng BI
Coast guard, ginunita ang ika-200 araw ng paghahanap sa “missing sabungeros”
15 survivors at 2 nasawi sa tumaob na MV Devon Bay, nai-turn over na sa PCG
November 2024 nang ipanukala ni Angara na ibaba sa lima o anim ang subjects sa senior high mula sa kasalukuyang labimpito.
Layunin ng naturang hakbang na palakasin ang employability ng mga estudyante kapag sila ay grumadweyt.
