HINILING ng Department of Education (DepEd) sa Local Government Units sa buong bansa na iwasang gawing evacuation centers ang mga paaralan sa nalalapit na tag-ulan dahil magreresulta ito sa pagkagambala sa pag-aaral ng mga estudyante.
Sinabi ni DepEd Spokesperson Undersecretary Michael Poa na binanggit na nila ito sa pinakahuling pulong kasama ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal
Mosyon ng Kamara sa nabasurang Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ipinababasura sa Supreme Court
Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE
AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026
Aniya, may mga pagkakataon kasi na tumatagal ang pananatili ng mga evacuees sa mga paaralan kaya nagagambala ang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Batay sa Revised DepEd Order 37 na nilagdaan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, maaring gamitin ang mga eskwelahan bilang immediate evacuation site sa panahon ng kalamidad, subalit hindi dapat lumagpas ng labinlimang araw.