BABAWIIN ng Department of Education (DepEd) ang nasa 100 million pesos mula sa mga private school na umano’y sangkot sa mga anomalya sa Senior High School Voucher Program.
Ginawa ni Education Secretary Sonny Angara ang pahayag, matapos purihin ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro ang DepEd dahil sa narekober na 65 million pesos mula sa programa.
Pilipinas, isinantabi ang pagde-deploy ng Navy Ships sa Panatag Shoal
Mosyon ng Kamara sa nabasurang Articles of Impeachment laban kay VP Sara, ipinababasura sa Supreme Court
Comprehensive Economic Partnership Agreement, lalagdaan na ng Pilipinas at UAE
AKAP Program, magpapatuloy sa kabila ng Zero Proposed Budget para sa 2026
Sinabi ni Angara na mas malaki pa ang kanilang marerekober, at patuloy ang kanilang imbestigasyon, gayundin ang mga hakbang para palakasin ang sistema upang hindi madaya.
Idinagdag ng kalihim na hindi rin aniya maganda, na ang programa para sa kabataan ay pinaglalaruan lang.
Sa ngayon ay nasa proseso ang DepEd sa pagrekober sa pondo, dahilan kaya nagsampa na sila ng Civil at Criminal Cases laban sa mga sangkot na private schools para sa Refund.