PINANGUNAHAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang City Health Officials, at Barangay Officials, ang Dengue Assessment sa Calbayog City Health Office sa Sitio Talahib sa Barangay Trinidad.
Binigyang diin sa aktibidad ang kahalagahan ng information dissemination, community engagement, at protective measures upang malabanan ang dengue sa lungsod.
1 pang bayan sa Samar, idineklarang Insurgency-Free
Sangguniang Panlungsod ng Calbayog, inamyendahan ang naunang resolusyon sa GWEC Project
CSC Samar Field Office On-Site Acceptance para sa March 2026 Career Service Exam, isinasagawa sa Calbayog City
Philippine Red Cross Western Samar, naglunsad ng training hinggil sa Forecast-Based Anticipatory Action
Pinapurihan ni Mayor Mon ang pagsisikap ng Barangay Officials sa pagsasagawa ng lingguhang clean-up drives at kinilala ang kanilang dedikasyon upang mapanatili ang malinis at malusog na kapaligiran.
Gayunman, iginiit ng alkalde na kailangang palawakin pa ang naturang mga hakbang para mapabilang sa mas komprehensibong “Search and Destroy” Approach.
Mahalaga rin aniya na ma-educate ang mga residente tungkol sa dengue transmission, mga sintomas at preventive measures, kasabay ng paghimok sa mga opisyal na ipagpatuloy ang pagpapakalat ng impormasyon sa pamamagitan ng community meetings, public announcements, at social media.
