POSIBLENG bumaba ang Inflation ngayong buwan ng Disyembre sa pagitan ng 1.2 hanggang 2 percent, batay sa pagtaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Mas mabagal ito kung ikukumpara sa naitalang 2.9% Inflation noong December 2024.
ALSO READ:
Ayon sa BSP, ang upward price pressures ay posibleng mula sa tumaas na presyo ng major food items bunsod ng epekto ng mga nagdaang kalamidad at mataas na holiday demand, pati na ang tumaas na presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) at gasolina.
Gayunman, sinabi ng Central Bank na maaring mabawasan ang pressures, bunsod ng bumabang presyo ng kuryente at ng kerosene at diesel.
Nakatakdang ilabas ng Philippine Statistics Authority ang December Inflation data sa Jan. 6, 2026.




