NAITALA ang Debt-To-GDP (gross domestic product) ng bansa sa 60.2 percent sa unang quarter ng 2024.
Ayon sa Bureau of Treasury, mas mababa ito kumpara sa 61.1 percent kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, subalit mas mataas sa 60.1 percent noong huling quarter ng 2023.
Ngayong taon ay target ng gobyerno na maitala ang Debt-To-GDP ratio sa 60.3 percent at sisikaping maibaba pa sa 55.9 percent pagsapit ng 2028.
Hanggang noong katapusan ng Marso ay bumaba ng 1.67 percent o sa 14.93 trillion pesos ang utang ng pamahalaan mula sa record-high na 15.18 trillion pesos noong katapusan ng Pebrero.