Bahagyang bumaba sa 60.2 percent ang outstanding debt ng national government bilang bahagi ng Gross Domestic Product (GDP) sa pagtatapos ng 2023.
Sa tala ng Bureau of Treasury, pumalo sa record high na 14.62 trillion pesos ang utang ng pamahalaan hanggang noong katapusan ng 2023, na 8.92 percent o 1.2 trillion pesos na mas mataas kumpara noong 2022.
Ang ratio ay mas mababa kumpara sa 60.9 percent noong katapusan ng 2022, at sa 61.2 percent target sa ilalim ng medium-term fiscal framework ng gobyerno.
Gayunman, bahagya pa rin itong mas mataas sa 60 percent threshold na ikinu-konsidera ng multilateral lenders upang maging manageable para sa developing economies.