LUMOBO na sa isandaan at pitumpu katao ang nasawi habang mahigit dalawandaanlibong iba pa ang nawalan ng tirahan bunsod ng ilang linggo nang pagbaha sa Nigeria.
Ayon sa tagapagsalita ng National Emergency Management Authority, pinakanaapektuhan ng pagbaha ang Northern Nigeria habang ang iba pang bahagi ay nananatiling nasa panganib dahil sa malalakas na pag-ulan at patuloy na pagtaas ng tubig sa dalawa sa pinakamalalaki nitong ilog na kinabibilangan ng Niger at Benue.
ALSO READ:
US President Trump at British Prime Minister Starmer, tinalakay ang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz
Mahigit 50 cultural sites sa Iran, nasira sa mga pag-atake ng US at Israel
Barko lang ng Amerika ang bawal dumaan sa Strait of Hormuz
Iran, walang palulusutin kahit 1 litrong langis sa Strait of Hormuz
Bagaman bahain talaga ang ilang bahagi ng Nigeria tuwing tag-ulan, ngayon lamang nagkaroon ng pagtaas ng tubig sa ibang lokasyon na hindi naman madalas maapektuhan ng pagbaha
Isinisi naman ng mga environmentalist ang taunang pagbaha sa mahinang drainage infrastructure ng bansa.
