UMAKYAT na sa animnapu’t dalawa ang bilang ng mga nasawi sa lumubog na M/V Trisha Kerstin 3 sa Basilan.
Ito’y makaraang apat pang katawan ang narekober sa underwater operations, kahapon.
Ayon sa Philippine Coast Guard, 293 ang survivors sa trahedya habang labimpitong iba pa ang nawawala.
January 25 ng gabi nang umalis ang RoRo vessel sa Port of Zamboanga City patungong Jolo, Sulu, subalit lumubog ang barko sa Basilan noong January 26 ng madaling araw.




