UMAKYAT na sa isandaan animnapu’t isa ang death toll sa lindol na tumama sa Japan noong bagong taon.
Ayon sa Japanese Authorities, mahigit isandaang iba pa ang patuloy na pinaghahanap makaraang tumama ang magnitude 7.5 na lindol na nagpabagsak sa mga gusali at nagdulot ng malaking sunog, at tsunami na mahigit isang metro ang taas sa Central Ishikawa Region.
Nakadagdag naman sa pahirap sa relief efforts ang makapal na snow na bumalot sa naturang rehiyon at mahigit dalawanlibo katao ang na-isolate bunsod ng tinatayang isanlibong landslides sa pinaka-naapektuhang Noto Peninsula.