INIIMBESTIGAHAN na ng Philippine National Police ang umano ay death threat na natanggap ni Cebu Governor Pamela “Pam” Baricuatro.
Kasunod ito ng pagbubunyag ni Baricuatro na mayroong 2.5 million pesos na inilaang bayad para sa isang hired killer galing Mindanao na inatasang paslangin siya.
Ayon kay PNP chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. inatasan na niya ang kanilang intelligence units para siyasatin ang umano’y death threat.
Maliban dito ay inatasan din ang kanilang regional personnel na mas higpitan pa ang ipinatutupad na security measures kabilang ang pagtatalaga ng dagdag na tactical security personnel sa Cebu.




