Nagsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na elemento ng Maasin CPS kasama ang PDEA8 SLPO sa Brgy Nasaug, Maasin City, Southern Leyte bandang 1:50 ng hapon ng Oktubre 6, 2023.
Kinilala ang suspek na si Julius Cocosa na nasa Watchlisted/ Balay Silangan Enrollee/HVT), lalaki, 28 y.o., binata, empleyado ng Glass and Aluminum Supply, residente ng Brgy Rizal, Maasin City.
Nakumpiska mula sa suspek ang apat (4) na piraso na kahon ng posporo na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, tangkay, at mga buto na tumitimbang ng mahigit kumulang sa 10 gramo na may tinatayang halaga na Php2,500.00.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at pansamantalang nakakulong sa Maasin CPS Lock-up Facility.