PATULOY ang pagtabo sa takilya ng Disney/Marvel Superhero Comedy Movie na “Deadpool & Wolverine” sa North America nitong weekend, matapos maabot ang 97 million dollars na ticket sales, ayon sa Industry Watcher Exhibitor Relations.
Dahil dito ay sumampa na sa 395.6 million dollars ang domestic total para sa 8th best second weekend habang ang international ticket sales ay pumalo na sa impresibong 438 million dollars.
ALSO READ:
Willie Revillame muntik maloko ng scammer na ginamit ang boses ni Former President Gloria Arroyo
‘Sisa,’ naiuwi ang Best Screenplay sa Fantasporto sa Portugal
Aktres na si Ruby Ruiz, nakauwi na sa Pilipinas matapos ma-stranded sa Dubai
BTS, inilabas na ang 14-song track list para sa kanilang comeback album na ‘Arirang’
Dala ng popularidad nina Ryan Reynolds bilang Deadpool at Hugh Jackman bilang Wolverine, nakapagtala ang pelikula ng bagong record para sa pinakamataas na domestic gross sa R-Rated Feature.
