20 August 2025
Calbayog City
Entertainment

P-Pop Group BINI nagsampa ng kaso laban sa hindi pinangalanang indibidwal

NAGSAMPA ng kasong Unjust Vexation ang P-Pop Group na BINI laban sa isang hindi pinangalanang indibidwal sa Hall of Justice sa Santa Rosa, Laguna.

Kasama ng BINI na nagsampa ng kaso ang kanilang Legal Counsel na Atty. Joji Alonso.

Inihain ng grupo ang kasong Unjust Vexation sa ilalim ng Article 287 ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ayon kay Alonso, ang kaso ay may kaugnayan sa mga edited video ng BINI na ipinapalaganap online.

Sakaling mapatunayang guilty ang Respondent, ang kaso ay may katapat na parusang pagkakakulong na anim na buwan hanggang isang taon.

Humihingi rin ng danyos sa Respondents na 1 million pesos para sa bawat miyembro ang kampo ng BINI.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).