Apat na Chinese na umano’y nasa likod ng pagbebenta ng government IDs ang dinakip sa Puerto Princesa City, sa Palawan.
Inaresto ang mga suspek na sina Wang Tao, Li Xiaoming, Guo Zhi Yang, at Lyu Zhiyang, sa Barangay San Pedro.
Ayon sa Bureau of Immigration, isinagawa ang operasyon sa pakikipagtulungan ng National Intelligence Coordinating Agency at Armed Forces of the Philippines.
Inihayag ng BI na si Lyu, na kilala bilang Ken Garcia Lee, ang umano’y mastermind ng operasyon at itinurong lider ng grupo ng sindikatong pinagkukunan ng government-issued documents para sa undesirable aliens at mga biktima ng human trafficking.