21 December 2025
Calbayog City
National

Isa na namang mapanganib na hakbang ng China sa Bajo De Masinloc, kinondena ni Pangulong Marcos

KINONDENA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isa na namang mapanganib na hakbang ng China kamakailan na kinasangkutan ng air force nito sa Scarborough Shoal o Bajo De Masinloc na naglagay sa panganib sa buhay ng Philippine Air Force personnel.

Sa statement, tinawag ng Presidential Communications Office (PCO) ang hakbang ng People’s Liberation Army – Air Force (PLAAF) na “unjustified, illegal at reckless.”

Sa harap ng pangamba tungkol sa posibleng “instability” sa airspace ng Pilipinas, hinimok ng palasyo ang China na magpakita ng mga responsableng hakbang sa karagatan at himpapawid.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).