IDINEKLARA ng Cebu City Council ang Jan. 16 o bukas, bilang Day of Mourning para sa mga biktima ng gumuhong landfill o bundok ng mga basura sa Barangay Binaliw.
Inaprubahan ito sa pamamagitan ng Corollary Motion ni Councilor Jun Alcover sa resolusyon para sa deklarasyon ng State of Calamity sa lungsod.
Bukas ay isang misa ang gaganapin sa Barangay Binaliw Gym.
Hanggang kahapon ay umakyat na sa dalawampu ang bilang ng mga nasawi sa trahedya matapos mahugot mula sa tambak ng mga basura ang apat pang katawan.




