Tumama ang magnitude 4.5 na lindol sa lalawigan ng Davao Occidental.
Naitala ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa layong 115 kilometers southeast ng Jose Abad Santos, 8:15 ng umaga ng Biyernes Oct. 11.
May lalim na 86 kilometers ang lindol at tectonic.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Malungon, Sarangani.