14 March 2025
Calbayog City
Province

Davao City Police, naka-alerto sa pag-aresto kay pastor Apollo Quiboloy

davao city police

Handa ang Davao City Police na mai-deploy upang tumulong sa lead agency sa pag-aresto sa televangelist na si Apollo Quiboloy, dahil sa pang-i-isnab sa hearing ng senado kaugnay ng mga alegasyong sekswal na pang-aabuso.

Sinabi ni Police Captain Hazel Tuazon, tagapagsalita ng Davao City Police, na naghihintay pa sila ng koordinasyon mula sa Senate Sergeant-at-Arms.

Binigyang diin ni Tuazon na mas mainam na magkaroon ng koordinasyon upang maiwasan ang anumang posibleng gulo sa Davao City.

Idinagdag ng police official na bantay-sarado ng Calinan at Buhangin Police Stations, ang prayer mountain at simbahan ni Quiboloy.

Inamin din ni Tuazon na wala pa silang impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng kontrobersyal na pastor, kung susuko ito sa mga otoridad.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *