15 March 2025
Calbayog City
Province

Davao City, nakakolekta ng 1.4 million pesos mula sa Smoking Violations sa unang quarter ng taon

UMABOT sa 1.4 million pesos ang nakolektang multa ng Davao City Government mula sa mga lumabag sa Anti-Smoking Ordinance sa unang quarter ng 2024.

Ayon kay Vices Regulation Unit (VRU) Officer-In-Charge Hernando Las, kabuuang 1,772 violators ang kanilang nahuli simula Enero hanggang Marso.

Mas mataas ito kumpara sa 1,630 apprehensions na kanilang naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Limampu’t pito katao naman aniya ang sinampahan ng kaso matapos mabigong bayaran ang kanilang violation tickets sa loob three working days.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *