SINOPLA ni Dating Senador Leila de Lima si Vice President Sara Duterte na nagsabing nais nito ng “bloodbath” sa kanyang napipintong impeachment trial.
Sa social media post, kinontra ng dating senador ang pahayag ni Duterte, sa pamamagitan ng pagbibigay diin na sa impeachment trial, ang tanging lilitisin ay ang indibidwal na in-impeach, kaya walang dadaloy na dugo.
Sakali man aniya na may dumaloy na dugo, manggagaling iyon sa person impeached, at titiyakin nilang hindi sa prosecutors, senator-judges, administrasyon, o mga tao.
Si De Lima ay inimbitahan bilang bahagi ng panel of prosecutors sa impeachment trial ni Duterte, makaraang maka-secure ng isang seat sa 20th Congress ang Mamamayang Liberal (ML) Party-list, kung saan siya ang first nominee.