KAILANGANG maamyendahan ang Automated Election Law o magpasa ng bagong batas para mabigyang daan ang panawagan na manual recount ng mga boto sa Halalan 2025, at maglaan ng budget para rito.
Ipinaliwanag ni COMELEC Chairman George Garcia na ang layunin ng Republic Act No. 9369 o Automated Election Law ay magkaroon ng “full” automated polls, at hindi kasama ang mano-manong bilangan.
ALSO READ:
Dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, dinemanda ang mall goer na nasa viral video
FDA, LTO, at BIR, nanguna sa listahan ng mga ahensya na may pinakamaraming reklamo ngayong 2025
LTFRB, naglabas ng 1,500 Special Permits bago ang Christmas rush
Mahigit 134,000 katao, naapektuhan ng Bagyong Wilma at Shear Line – DSWD
Gayunman, nakasaad sa ilalim ng batas ang pagsasagawa ng random manual audit para masuri ang mga balota na mula sa mga piling clustered precincts. Una nang inihayag ng poll body na ang election protest ang tanging paraan para magkaroon ng manual recount ng mga boto, kasunod ng panawagan ni Detained Senatorial Candidate at Religious Leader Apollo Quiboloy.
