MAKALIPAS ang pitong taon, nalagpasan ni dating Senador Leila De Lima ang lahat ng drug charges laban sa kanya.
Ayon kay Atty. Boni Tacardon, Legal Counsel ni De Lima, kinatigan ng muntinlupa court ang demurrer to evidence ng kanyang kliyente, na nagbabasura sa ikatlo at natitirang drug case ng dating mambabatas.
Inihain ni De Lima ang kanyang demurrer noong Marso, kung saan hiniling niya sa korte na absweltuhin siya o ideklarang not guilty dahil sa kabiguan ng prosekusyon na patunayan na siya ay nagkasala.
Nakalaya sa pamamagitan ng piyansa ang dating Senador noong November 2023 matapos makulong sa Camp Crame simula noong February 2017 bunsod ng alegasyong may kinalaman sa droga.