TINIYAK ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na ligtas ang lahat ng dalawampu’t pitong Filipino Crew Members ng Bulk Carrier na inatake ng Houthi Rebels sa Red Sea, noong sabado.
Sinabi ni Cacdac na hindi nagtagumpay ang mga rebelde para patigilin sa gitna ng karagatan ang MV Transworld Navigator, dahil nakapaglayag pa ang barko at nailigtas ang mga tripulante.
Idinagdag ng kalihim na posibleng i-repatriate ang Pinoy Seafarers sa sandaling makarating sila sa Safe Port.
Inihayag ni Cacdac na matapos ang naranasang pag-atake ay baka kailangan munang umuwi ng mga tripulanteng Pinoy upang makasama ang kani-kanilang Pamilya.