27 January 2026
Calbayog City
National

Dating Senador Bong Revilla, ipinaaaresto na ng Sandiganbayan; Brice Hernandez at Jaypee Mendoza, inaresto ng NBI matapos dumalo sa Senate Hearing

NAGLABAS na ng warrant of arrest ang Sandiganbayan 3rd Division laban kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. at anim na iba pa kaugnay sa kasong malversation through falsification by public document.

Ang kaso ay may kaugnayan sa umano ay 92.8 million pesos na halaga ng ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Ayon sa clerk of court ng Sandiganbayan 3rd Division na si Atty. Dennis Pulma, may nakitang probable cause ang korte para maipalabas ng warrant of arrest.

Nag-isyu din ang korte ng Hold Departure Order laban kay Revilla at iba pang akusado.

Kapwa akusado ni Revilla sa nasabing kaso ang mga dating DPWH officials na sina Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, Arjay Domasig Emelita Juat, Juanito Mendoza at Christina Pineda.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).