NASAWI si dating Chilean President Sebastian Piñera makaraang malunod kasunod ng pagbagsak ng pinalilipad nitong helicopter sa Lake Ranco, sa Southern Chile.
Isinailalim sa autopsy ng legal medical service ang katawan ng dating pangulo na pumanaw sa edad na 74, bago ito binigyan ng state honors sa kabisera na Santiago City.
Inanunsyo ng prosecutor’s office na “Asphyxiation due to submersion” ang cause of death ng Former Chilean President, bagaman hindi pa rin batid ang sanhi ng aksidente.