15 January 2025
Calbayog City
National

Dating PNP Chief Rodolfo Azurin, hindi pa lusot sa posibleng kaso kaugnay ng 6.7-billion peso shabu haul noong 2022

HINDI pa tiyak na abswelto sa posibleng kaso si dating PNP Chief rodolfo Azurin Jr. Kaugnay ng kontrobersyal na 6.7 billion peso-shabu haul noong 2022.

Sa harap ito ng isinampang kasong planting of evidence sa tatlumpung pulis dahil sa alegasyong “cover up” sa shabu haul.

Sa press briefing sa malakanyang, ipinaliwanag ni Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na retirado na si Azurin noong dininig ang kaso, kaya’t hindi na ito napabilang sa listahan ng National Police Commission.

Gayunman, hindi aniya ito nangangahulugan na lusot na si Azurin sa case buildup ng Department of Justice.

Nangyari ang shabu haul sa Maynila noong October 2022, sa termino ni Azurin bilang PNP Chief.

Idinagdag ni Remulla na magkakaroon ng malawakang imbestigasyon sa PNP at maghahalungkat sila ng mga datos mula 2016 hanggang 2022, dahil tila matagal nang kalakaran ito sa pambansang Pulisya at may nakikita rin siyang “grand conspiracy” o malawakang sabwatan.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).