NAKAUSAP ng mga kinatawan mula sa Philippine Embassy sa The Hague si Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng telepono.
Nakatanggap ng tawag ang embahada ng Pilipinas mula sa Detention Officer ng International Criminal Court (ICC) at ipinabatid sa kanila na nais ng Dating Pangulo na may makausap na Consular Officer.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Tinawagan naman ng Consular Officer ang dating pangulo at binanggit nito sa embahada na sumailalim siya sa medica check-up at nakatatanggap naman ng maayos na medical care habang nasa kustodiya siya ng ICC.
Hiniling din ni Dating Pangulong Duterte na personal siyang mabisita ng Embassy consular officials, at matulungan siya ng embahada para umapela sa ICC na payagan ang pagbisita sa kaniya ng kaniyang abogado at ng kaniyang pamilya.
Agad namang nagpadala ng request ang embahada sa registry ng ICC para mapayagan ang Consular Visit sa lalong madaling panahon.
Tiniyak din ng embahada na ipa-follow up ang request na madalaw ang dating pangulo ng kaniyang abogado at ng miyembro ng kaniyang pamilya.