HANDA si dating Pangulong Rodrigo Duterte na harapin ang Quad Committee ng kamara para sagutin ang mga tanong tungkol sa kontrobersyal na War on Drugs ng kanyang administrasyon.
Ginawa ng dating Pangulo ang statement, matapos ianunsyo ang kanyang paglahok sa mayoralty race sa Davao City.
Grupong BAYAN inihahanda na ang panibagong malawakang protesta
Panukalang bumalik ang bansa sa Rome Statute hindi pa natatalakay ng Palasyo
VP Sara, bilib sa mga dating sundalong nagbunyag ng sabwatan ng ilang mambabatas at ICC investigators
Dating Pangulong Duterte, walang direktang utos ng pagpaslang sa Oplan Tokhang, ayon sa defense lawyer
Kahapon ay naghain na ng Certificate of Candidacy (COC) si Duterte bilang alkalde sa Davao City, posisyon na kanyang hinawakan sa loob ng mahigit dalawampung taon bago tumakbong Pangulo noong 2016.
Ang kanya namang anak na si Incumbent Davao City Mayor Sebastian Duterte ay kakandidatong Vice Mayor habang si incumbent Vice Mayor Jay Melchor Quitain ay tatakbong konsehal.
Makakalaban ng dating presidente si Evangelist Bishop Rodolfo Cubos sa Mayoral Race sa Davao City.
