GUILTY ang hatol ng Sandiganbayan kay Dating Palawan Governor Joel Reyes at sa kanyang Provincial Planning and Development Coordinator na si Samuel Madamba II, sa 11 Counts ng Graft.
Kaugnay ito sa maling paggamit ng 1.53 billion pesos na Royalties mula sa Malampaya Gas Field noong 2009.
Sa 625 na pahinang desisyon, sinentensyahan ng Anti-Graft Court sina Reyes at Madamba ng anim hanggang sampung taong pagkakakulong sa bawat Graft Conviction o kabuuang animnapu’t anim na taong pagkakabilanggo.
Ang 1.53 billion pesos na halaga ng Malampaya Gas Field Royalties ay ginastos umano sa School Buildings, San Vicente Airport Development Project, Road Projects, Solar Home System, at isang Day Care Center.