DOBLE-kayod ang Department of Transportation (DOTr) para maabot ang target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging Partially Operational ang Metro Manila Subway Project sa pagtatapos ng termino nito sa 2028.
Ayon kay DOTr Secretary Vince Dizon, sa 2032 ang kanilang target para sa buong linya ng Subway.
ALSO READ:
Pulis, sugatan matapos saksakin ng co-accused na kabaro sa Camp Crame sa Quezon City
Upos ng yosi, Top 1 sa mga basurang nakulekta sa Metro noong 2025
Quiapo officials, planong paiiksiin ang ruta ng Traslacion sa susunod na pista ng Nazareno
Public school teacher, nasawi sa gitna ng classroom observation sa Muntilupa City
Gayunman, nais aniya nilang matapos ang kahit dalawa o tatlong istasyon pagsapit ng 2028, na magsisimula sa Valenzuela, Quirino, at sana ay umabot hanggang North.
Ang Metro Manila Subway ay may kabuuang labimpitong istasyon at isang 30.34-Hectare Depot kung saan matatagpuan ang Philippine Railway Institute.
