PINABULAANAN ni Dating Ombudsman Samuel Martires na nagkaroon ito ng Midnight Appointments, sa pagsasabing ang pag-hire at Promotions sa kanyang huling taon bilang pinuno ng Anti-Graft Court ay kinakailangan.
Binigyang diin ni Martires na walang Midnight Appointee sa Office of the Ombudsman dahil hindi naman sila Political Office.
Mga senador, muling in-adjust ang schedule para sa ratipikasyon ng enrolled copy ng 2026 Budget
Sarah Discaya at mga co-accused, humihirit na makabalik sa kustodiya ng NBI
Ombudsman, ipinasusurender sa DPWH ang computers at devices na inisyu kay yumaong Undersecretary Cathy Cabral
PNP at Bulacan Government, ininspeksyon ang tindahan ng mga paputok sa Bocaue
Reaksyon ito ni Martires sa inihayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na Questionable Appointments o kung hindi man ay Midnight Appointments, ang pag-hire at pag-promote ng dating ombudsman sa 204 personnel mula mayo hanggang Hulyo, o sa huling tatlong buwan ng panunungkulan nito bilang tanodbayan.
Paliwanag ni Martires, ang mga na-hire ay mula sa mga driver hanggang sa mga abogado na umu-okupa sa mas mataas na posisyon.
Ipinagtanggol din nito ang Promotion ng dalawang personnel na naging assistant ombudsman, sa pagsasabing ang pag-angat ng kanilang posisyon ay bunsod ng merito at ipinalit sila sa mga nag-retiro na sa serbisyo.
