15 March 2025
Calbayog City
Overseas

Dating New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern, ikinasal na sa kanyang  longtime partner 

jacinda ardern

Ikinasal na si dating New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern sa kanyang longtime partner na si Clarke Gayford sa isang pribadong seremonya.

Sa wakas ay natuloy din ang kanilang pag-iisang dibdib makaraang ikansela ang seremonya bunsod ng mga paghihigpit na ipinatupad ni Ardern sa kanilang bansa dahil sa covid-19 pandemic.

Ang kwarenta’y tres anyos na si Ardern at kwarenta’y syete anyos na si Gayford ay na-engage noong may 2019, at ikakasal sana noong unang bahagi ng 2022, subalit hindi natuloy bunsod ng “Go Hard, Go Early” approach sa pandemic, upang maiwasan ang paglobo ng bilang ng mga namamatay sa New Zealand dahil sa covid-19.

Sa kanyang final speech sa parliament, sinabi ni Ardern kay Gayford na magpakasal na sila.

Ang newly-wed couple ay mayroon nang limang taong gulang na anak na babae.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *