Isang dating hepe ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y tumulong para makalabas ng bansa si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Ito, ayon kay PAGCOR official Raul Villanueva, nang tanungin ni Senador Risa Hontiveros, sa pagpapatuloy ng pagdinig ng senado sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
ALSO READ:
DPWH Office sa Quezon City, nasunog! Insidente, pinasisilip sa NBI
Klase sa mga pampublikong paaralan, sinuspinde ng DepEd mula Oct. 27 hanggang 30
Tarlac congressman, asawang vice mayor at DPWH engineer, sinampahan ng Plunder at Graft Complaints sa Ombudsman
Hearing ng ICI sa Flood Control Scandal, mapapanood na sa Livestream simula sa susunod na Linggo
Sinabi rin ni Villanueva na batay sa intel report, may ilang ding matataas na opisyal ng Bureau of Immigration ang sangkot sa pagtakas ni Guo.
Idinagdag ng PAGCOR official na mayroong usap-usapan sa loob ng intelligence community tungkol sa mga posibleng sangkot, bagaman wala pang kumpirmasyon, at isinasailalim pa sa validation ang mga impormasyon.
