ISINUGOD sa ospital si Dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr., kahapon ng umaga, bunsod ng matinding pananakit ng tiyan.
Ayon sa abogado ni Teves na si Ferdinand Topacio, simula hatinggabi ay namimilipit sa sakit ng tiyan ng kanyang kliyente habang nakakulong sa Camp Bagong Diwa.
ALSO READ:
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Idinagdag ni Topacio na halos lumuhod ang dating mambabatas sa pagmamakaawa para magamot sa ospital, subalit hindi mapagbigyan ng BJMP personnel ang hiling nito dahil sa “protocol.”
Hindi naman binanggit ng abogado ang pangalan ng ospital bunsod ng security reasons.