LIGTAS na sa nakalalasong red tide ang katubigan sa Daram Island sa Samar, subalit umiiral pa rin ito sa tatlo pang baybayin sa Eastern Visayas.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), matapos mag-negatibo ang water samples sa red tide sa loob ng ilang linggo, hindi na kasama ang seawater ng Daram Island sa local at national shellfish bulletins.
ALSO READ:
Napaulat na expansion ng Geothermal Project, itinanggi ng mga opisyal sa Biliran
Mga biyahe sa karagatan sa Eastern Visayas, pinayagan na muli ng coast guard
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Gayunman, kabilang pa rin sa latest bulletin ang coastal waters sa mga bayan sa Leyte; gayundin, ang Matarinao Bay sa general Macarthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo sa Eastern Samar.
Kasama rin sa local shellfish bulletin ang seawater sa Calbayog City sa Samar.
