Kabilang ang aktor na si Daniel Padilla sa mga artistang dadalo sa concert na inorganisa ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Davao, sa June 7, 2024.
Ang ina ni Daniel na si Karla Estrada ang nagkumpirma ng partisipasyon ng aktor sa flagship program ng administrasyon ni pangulong Ferdinand Marcos Jr.
ALSO READ:
Michael Pacquiao, umani ng atensyon sa online matapos umanong magparetoke ng ilong
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
Noong Martes ay ipinost ni Karla sa kanyang instagram stories ang art card kung saan nakalagay ang litrato ng anak at ilang detalye kaugnay ng concert.
Marami namang netizens ang nagulat dahil kilala noon si Daniel na certified “kakampink” na sumusuporta kay dating Vice President Leni Robredo na nakalaban ni pangulong Marcos noong 2022 presidential election.
