2 July 2025
Calbayog City
Entertainment

Daniel Padilla, inaming “feeling lost” bago tinanggap ang lead role sa ‘Incognito’

INAMIN ni Daniel Padilla na sa umpisa ay atubili siyang tanggapin ang alok na gumanap bilang Andres Malvar sa Action-Drama Series na “Incognito.”

Sinabi ng aktor na mayroon siyang mabigat na pinagdadaanan sa buhay bago siya nakasama sa cast ng naturang TV Series.

Ginawa ni Daniel ang pag-amin, matapos isiwalat ng co-star na si Maris Racal na iniligtas ng Incognito ang kanyang buhay.

Inihayag ng actor-singer na nasa punto siya ng buhay niya na kalat-kalat ang takbo ng kanyang isip at litung-lito bago niya tinanggap ang proyekto.

Hindi na binanggit pa ni Daniel ang rason kung bakit siya “feeling lost” siya nang mga panahong iyon, bagaman ipinalabas ang Action-Drama, dalawang taon matapos silang maghiwalay ng longtime girlfriend at onscreen partner na si Kathryn Bernardo, makaraan ang labindalawang taong relasyon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).