DALAWA katao ang patay matapos bumagsak ang isang Cessna plane sa Barangay Libsong East, sa Lingayen, Pangasinan.
Ayon sa Lingayen police, ang mga nasawi ay kinabibilangan ng piloto at student pilot ng aircraft.
ALSO READ:
5 hinihinalang miyembro ng NPA, patay sa engkwentro sa Lagonoy, Camarines Sur
Bulkang Kanlaon sa Negros, muling nagbuga ng abo
Batang babae, nailigtas mula sa nasawing hostage taker sa Marawi City
Mag-amang namaril sa Bondi Beach sa Australia, halos hindi lumalabas sa kanilang hotel room sa Davao habang nasa Pilipinas
Nangyari ang insidente dakong alas nueve ng umaga kahapon.
Nag-take off ang Cessna mula sa Lingayen Airport bago ito nawala sa altitude at pasubsob na bumagsak sa maputik na lugar.
Inihayag naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang dahilan ng insidente.
