IPINAG-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang suspensyon sa pagpapatupad ng dagdag singil sa pasahe.
Sa video message, sinabi ng pangulo na inatasan niya ang Department of Transportation na suspindihin muna ang fare hike.
2 impeachment complaints laban kay VP Sara, idineklarang sufficient in grounds
P3.5 billion, inilaan para tulungan ang mga OFW na apektado ng gulo sa Gitnang Silangan
Excise tax sa oil products, hindi pa malinaw sa Palasyo kung sususpindihin o babawasan
SK OFFICIALS PWEDE PANG TUMAKBO SA KAPAREHONG POSISYON SA BSKE 2026—COMELEC
Idinagdag ni Marcos na dapat munang ipagpaliban ang taas-pasahe dahil nasa gitna tayo ng sitwasyon na kailangang patuloy na alalayan ang mga commuter, partikular ang mga manggagawa at estudyante na gumagamit ng transport system.
Una nang inanunsyo noong Martes ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pisong increase sa minimum na pasahe sa traditional jeepneys habang dalawang piso sa modern jeepneys.
Kasama rin sa pinayagang magtaas ng pasahe ang airport taxis, Transport Network Vehicle Services (TNVS), at Metro Manila at provincial buses.
