1 November 2025
Calbayog City
National

Dagdag benepisyo, pagsasanay ng mga guro isusulong ng Trabaho Partylist

trabaho partylist

Sa pagkilala ng Trabaho Partylist sa walang katumbas na dedikasyon ng mga guro para sa kinabukasan ng kabataan ngayong World Teachers’ Day, isusulong ng grupo ang kanilang kapakanan sa pamamagitan ng karagdagang benepisyo at pagsasanay.

Ayon sa Trabaho Partylist, isang karangalan ang makasama ang mga guro sa mahalagang pagdiriwang na ito, kaya’t taus-puso ang pasasalamat nito sa mga sakripisyo at malasakit na ibinubuhos ng mga guro upang hubugin ang mga susunod na henerasyon ng Pilipino sa pamamagitan ng makabuluhang edukasyon.

Kinilala ni Atty. Mitchell-David Espiritu, tagapagsalita ng Trabaho Partylist, ang patuloy na paghahatid ng dekalidad na edukasyon upang maging handa ang kabataan sa anumang hamon ng mundo, maparito man sa ating bansa o saan man sa daigdig. 

Giit ng grupo, sa pagpapalakas ng panibagong curriculum, partikular sa Senior High School (SHS), dapat simulan ang inisyatibo sa paghandog ng insentibo tulad ng sahod na sapat sa tunay na pangangailangan.

Dahil susi ang mga guro sa pagpapalakas ng susunod na henerasyon ng mga manggagawa, dapat aniya lalong itaas ang “morale” at “motivation” sa pamamagitan ng mga training at workshops na maghahandog ng career growth sa mga guro. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).