Pinayuhan ng Department of Agriculture ang mga magsasaka sa mga probinsyang daraanan ng bagyong Isang na anihin na ang mga mature crops na pwede nang maani.
Dahil sa banta ng bagyo sinabi ng DA na dapat ding tiyakin ng mga magsasaka na nasa ligtas na lugar ang kanilang mga planting materials at iba pang farm inputs.
Ang mga farm machineries, equipment, at iba pang farm tools ay dapat ilagay sa mas mataas na lugar at dapat tiyaking may sapat na suplay ng pagkain at inumin ang mga alagang hayop.
Samantala, binilinan din ng DA ang mga mangingisda na tiyaking ‘secured’ ang kanilang fish cages, fish ponds, at fish stocks at magsagawa na ng early harvest kung kinakailangan.
Ang mga mangingsda naman ay pinayuhang alamin muna ang lagay ng panahon sa kanilang lugar bago maglayag.




