IPINAG-utos ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang paglikha ng dedicated Coffee Industry Development Office (CIDO) para maging centralized ang pangangasiwa sa pananim.
Sa Department Order No. 06, inilagay ang CIDO sa ilalim ng Office of the Undersecretary for Special Concerns at Official Development Assistance (ODA), na pinamumunuan ngayon ni Undersecretary Jerome Oliveros.
Sinabi ni Tiu Laurel na matagal nang itinuturing ang kape bilang minor crop at ngayon ay nangangailangan na ito ng full attention.
Idinagdag ng Department of Agriculture na lumalakas ang pagkonsumo ng kape habang naiiwan ang domestic production.
Ayon sa kalihim, tumatanda na ang coffee farmers habang ang access sa inputs ay limitado lamang at outdated na ang equipment.




