INATASAN ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang National Food Authority (NFA) na simulan nang ilipat sa Visayas ang mga stock na bigas.
Ito ay bilang paghahanda para sa paglulunsad ng 20 Pesos Per Kilo Rice Program, kasunod ng pag-exempt ng COMELEC sa naturang programa mula sa Election Spending Ban.
Sinabi ng Department of Agriculture na manggagaling ang bigas sa buffer stock ng NFA, na umabot sa five-year high na 7.17 million 50-kilogram bags.
Sa statement, inihayag ni Tiu Laurel na tatagal ng ilang linggo bago mailipat ang libo-libong sako ng bigas mula sa warehouses ng NFA, partikular sa Mindoro, patungo sa iba’t ibang bahagi ng Visayas.