21 February 2025
Calbayog City
Business

DA at FTI, tiniyak ang quality control measures para sa Rice For All program 

TINIYAK ng Department of Agriculture (DA), katuwang ang Food Terminal Incorporated (FTI) ang quality control measures para sa Rice for All program (RFA) ng kadiwa ng Pangulo.

Ginawa ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang pagtiyak, kasunod ng “bukbok” na napaulat na nakita sa ilang sako ng DFA rice sa isang Kadiwa ng Pangulo stall sa Cubao, Quezon City.

Sinabi ni Laurel na bagaman isolated ang insidente ay nagsilbi itong leksyon sa DA at sa FTI na maging mas maging mahigpit sa quality control.

Idinagdag ng kalihim na iniimbestigahan na kung bakit itinuloy pa rin ang pagbebenta ng naturang bigas, sa kabila ng kautusan na itigil na ang paglalabas nito.

Upang matiyak na hindi na mauulit ang kaparehong insidente, inihayag ni Laurel na hihingi sila ng tulong sa rice experts mula sa NFA upang i-train ang DA at FTI sa tamang protocols at implementasyon ng “double layer” na quality control.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).