NAGSAGAWA ng monitoring ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) sa presyo ng Agricultural Products sa mga pamilihan sa Quezon City
Pinangunahan nina Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. at Trade Secretary Ma. Cristina A. Roque ang special joint market monitoring sa Murphy Public Market at sa SM Hypermarket sa Cubao.
Sa Murphy Public Market mayroong Kadiwa Ng Pangulo (KNP) Rice-For-All (RFA) Kiosk na nagbebenta ng bigas na P36 per kilo at P40 per kilo.
Tiniyak ni Tiu Laurel sa publiko na kahit mura ang mga bigas na ibinebenta sa Kadiwa ng Pangulo ay nakapasa sa quality standards bago inilabas sa merkado. Target ng DA na makipagtulungan sa mga alkalde sa Metro Manila upang makapagbenta ng murang bigas sa iba pang mga pamilihan simula sa susunod na buwan.