NAIS ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na matuldukan na ang negatibong paniniwala sa National Food Authority (NFA) rice.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), pinulong kamakailan ni Secretary Francisco Tiu Laurel, ang regional managers at matataas na opisyal ng NFA upang matiyak ang kanilang goal.
Binigyang diin ni Tiu Laurel na ang Subsidized Rice Program ay maituturing na oportunidad upang maalis ang stigma na mahinang klase ang NFA rice.
Idinagdag ng kalihim na nais nilang patunayan na ang bigas na kanilang ipinagkakaloob sa mga nangangailangan ay hindi lamang abot-kaya, kundi malinamnam, masustansya, at kapareho ng ilang imported na klase ng bigas.
Una nang binatikos ni Vice President Sara Duterte ang bente pesos na per kilo ng bigas na ibinebenta ng gobyerno, sa pagsasabi umano na maari itong ipakain sa mga alagang baboy.