IBA’T ibang airlines ang nagsuspinde ng flights sa Haiti makaraang isang pampasaherong eroplano mula sa U-S ang pinagbabaril habang sinusubukang mag-landing sa Port-Au-Prince.
Bunsod nito, nag-divert ang Spirit Airlines Flight 951 mula Fort Lauderdale sa Florida, sa katabing Dominican Republic, kung saan ligtas itong nakalapag sa Santiago Airport.
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Isang flight attendant ang bahagyang nasugatan at wala namang pasahero na nasaktan sa naturang pag-atake, na kagagawan umano ng mga armadong grupo na nagpapalala ng kaguluhan sa bansa.
Ayon sa Spirit Airlines, nagkaroon ng mga butas ang kanilang eroplano matapos tamaan ng mga bala, nang inspeksyunin sa santiago airport.
Dalawa pang U-S Airlines na kinabibilangan ng American Airlines at Jetblue ang nagsuspinde rin ng flights patungong Haiti, hanggang Huwebes.
